PHO NAGLABAS NG DIREKTIBA SA MGA LUGAR NA NAKAPAGTALA NG OMICRON VARIANT SA PANGASINAN NA PAIGTINGIN ANG PAGBABAKUNA AT CONTACT TRACING

SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Naglabas ng direktiba ang Provincial Health Office ng Pangasinan sa mga lugar na nakapagtala ng kaso ng Omicron Variant na paigtingin ang mga hakbang kontra sa sakit.

Ang Dagupan City, Urdaneta City, Mangatarem at Sto. Tomas ang mga nakapagtala ng nasabing variant sa probinsiya ngunit paglilinaw na ang mga ito ay gumaling na.

Inatasan na ang mga LGUs ng mga nabanggit na lugar na paigtingin ang kanilang pagbabakuna at ipagpatuloy ang pagsasagawa ng contact tracing sa mga paligid kung saan nakatira ang mga pasyente.

Inirerekomenda din ni Dra. Anna De Guzman na magpatupad ng granular lockdown kung kinakailangan nang hindi na magkaroon pa ng malalang sitwasyon. | ifmnews

Facebook Comments