Pinawi ng Pangasinan Provincial Health Office ang pangamba ng mga Pangasinense matapos ang pagkakatala ng tatlong person under investigation(PUI’s) ng nCOV-ARD sa Ilocos Region.
Sa panayam ng Ifm Dagupan kay Dra. Anna De Guzman, Provincial Health Officer , ang resulta ng pagsusuri sa tatlong naitalang puis ay kasalukuyang nasa Research Institute of Tropical Medicine sa Manila at hindi ito naka confined sa mga ospital sa lalawigan. Nanindigan ito na nanatiling nCOV-ARD free ang Pangasinan.
Magkakaroon ng pagpupulong ngayong araw ang apat na Provincial Health Office ng apat na lalawigan matapos ipatawag ang mga ito ng regional director upang talakayin ang mga aksyon na dapat gawin ng ahensya sa nakamamatay na sakit.
Samantala, patuloy na umaapela ang P.H.O na kung wala namang sakit ay ipaubaya na lamang sa mga health workers ang face mask na mas higit na nangangilangan sa sitwasyon nararanasan ng bansa.
*DWON 104.7 iFM Dagupan* 3rd Floor Marigold Building M.H. Del Pilar Street Dagupan City 2400
*Tel.* (075) 632-2255 Fax. (075) 632-3390 *FB.* facebook.com/ifmdagupan <facebook.com/ifmdagupan>
PHO nilinaw na wala sa Pangasinan ang 3 PUI’s ng nCOV-ARD na naipaulat sa Ilocos Region
Facebook Comments