Phoenix Fuel Masters, isinama na sa roster ng kanilang mga player si Calvin Abueva

30

Isinama na ng Phoenix Super LPG Fuel Masters sa kanilang 14-man roster ang kontrobersyal nilang player na si Calvin Abueva.

Ito’y bilang paghahanda ng Phoenix sakaling ma-lift na ang indefinite suspension ni Abueva kung saan kinukumpleto na lamang niya ang mga requirement na hinihingi ng PBA para muling makabalik sa laro.

Isa na rito ang pag-undergo ni Abueva sa 3-day virtual seminar hinggil sa Code of Conduct and Ethical Standard gayundin ang mandatory drug test bilang medical requirements para muling bigyan ng Games and Amusement Board (GAB) ng professional license.

Nabatid na nakaka-dalawang session na si Calvin ng seminar kung saan umaasa ang mga fans at ang kapwa player nito gayundin ang team management ng phoenix na makakalaro na itong muli sa PBA.

Facebook Comments