Phoenix Pulse, handang sumunod sa sanctions na ipinataw kay forward Calvin Abueva

Bagama’t tutol sa ipinataw na sanctions kay forward Calvin Abueva. Handa umanong sumunod sa desisyon ng PBA ang Phoenix Pulse Fuel Masters.

 

Matatandaang pinatawan ng indefinite suspension ni PBA Commissioner Willie Marcial si Abueva bukod pa ang P70,000 kasunod ng kinasangkutan nitong gulo sa dalawang magkahiwalay na laro.

 

Ayon sa Phoenix management, wala naman silang ibang magagawa kundi sumunod.


 

Pero pakiusap ng team sakaling maulit ang ganitong insidente, sana raw ay parehong pagtrato at parusa rin ang ipataw kahit sinumang manlalaro ang masangkot dito.

 

Bukod kay Abueva, suspended din sa dalawang laro at pinatawan ng P40,000 multa si Phoenix head coach Louie Alas dahil sa “flagrant misconduct” laban kay TNT player David Semerad.

 

 

Facebook Comments