Phoenix suns, Hawks at Warriors, nagpasiklab sa kani-kanilang laban sa NBA

Nagpakawala ng labing-pitong (17) three-pointer ang Detroit Pistons para tambakan ang Phoenix Suns, 118-98.

 

Bumida sa panalo ng pistons si Wayne Ellington na bumuslo ng 23 points habang may 16 points si Andre Drummond.

 

Bigo namang maiahon ni Devin Brooker ang Suns kahit umiskor siya ng 26 points.


 

Samantala sa iba pang laro, nadagit ng Atlanta Hawks ang panalo kontra Utah Jazz, 117-114.

 

Umiskor ng 23 points si rookie Trae Young para sa Hawks habang kumamada ng 34 points si Donovan Mitchell para sa Jazz.

 

Kapwa kumubra naman ng 15 points sina Kevin Durant at Stephen Curry para masungkit ng Golden State Warriors ang panalo kontra Indiana Pacers, 112-89.

Facebook Comments