Phoenix Suns, may 3-1 lead na kontra Los Angeles Clippers

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Phoenix Suns para makapasok sa second round ng NBA Playoffs.

Tinalo ng Suns sa Game 3 ang Los Angeles Clippers at nagtapos ang laban sa score na 112-100.

Malaking bagay ang pagtutulungan ng big three na sina Kevin Durant, Devin Booker at Chris Paul na nakapagtala ng 31, 30 at 19 points.


Nahirapan ang Clippers lalo na’t hindi nakapaglaro si Kawhi Leonard sa loob ng dalawang sunod na game dahil sa injury sa kanang tuhod.

Hindi pa rin naglaro si Paul George mula pa noong march 21 dahil sa iniindang injury na katulad ng kay Leonard.

Dahil dito, tanging si Russel Westbrook ang nagdala sa Clippers pero hindi naman naging sapat ang nakuhang game high na 37 points.

Facebook Comments