Phoenix Suns, panalo kontra Dallas Mavericks sa NBA regular season

Tinalo ng Phoenix Suns ang Dallas Mavericks sa score na 106-102 sa NBA regular season.

Nanguna sa Suns si Devin Booker na may 22 points at dinagdagan ni Mikal Bridges 18 puntos.

Nag-ambag din ng 15 puntos para sa Suns si Cameron Johnson habang 13 point ang ginawa ni Deandre Ayton.


Nakagawa naman ng 32 puntos, walong rebounds at limang assist si Luka Doncic para sa Mavericks habang tig-12 puntos sina Jalen Brunson, Tim Hardaway Jr. at Josh Richardson.

Facebook Comments