Phoenix Super LPG Fuel Masters, nasungkit ang ika-pitong panalo kontra Blackwater Elite

33

Nasungkit ng Phoenix Super LPG Fuel Masters ang kanilang ika-pitong panalo sa 2020 PBA Philippine Cup.

Ito’y matapos nilang talunin ang Blackwater Elite sa score na 100-95 kung saan ginanap ang laro sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.


Nanguna sa panalo ng Fuel Masters sina Jayson Perkins na may 18–points at Calvin Abueva na nakakuha ng 17–points kasama ang 13-rebounds.

Dahil sa panalo, hawak ng Phoenix Super LPG ang 7-3 win/loss record habang may dalawang panalo at walong talo ang Blackwater.

Facebook Comments