Phoenix Super LPG, nakuha ang ikalawang sunod na panalo kontra Northport Batang Pier

Nasungkit ng Phoenix Super LPG Fuel Masters ang ikalawa nilang sunod na panalo sa PBA Philippine Cup.

Nanalo ang Phoenix kontra Northport Batang Pier sa score na 110-105.

Nanguna sa panalo ng Fuel Masters si Jayson Perkins na may career high 31-points at 12-rebounds.


Nakakadalawang sunod na pagkatalo naman na ang Batang Pier kung saan paghahandaan naman nila ngayon at sisikapin manalo sa Rain or Shine Elasto Painters sa darating na Linggo, October 18, 2020.

Facebook Comments