PHOmay paalala sa mga Pangasinense ngayong Undas

Pinaalalahan ng Pangasinan Health Office ang mga Pangasinense na mag-ingat ngayong Undas 2019.
Sa panayam ng iFM Dagupan kay Dra. Anna De Guzman, PHO Officer mainam na iwasang magpunta ng 10:00 hanggang 3: 00 ng hapon kung saan kasagsagan ng init ng panahon.
Maari umanong magresulta ng dehydration, pagkahilo at pagtaas ng presyon ng isang tao ang init na maaring maramdaman sa Undas.
Payo nito na magdala na lamang ng tubig upang maiwasang bumili sa mga ambulant vendor na kung saan maaring makakuha ng sakit na diarrhea.
Ayon kay De Guzman, nakahanda na ang medical staff at ang mga ambulansya na itatatalaga sa mga sementeryo upang mabilis na matugunan ang mga hindi inaasahang pangyayari.
###

Facebook Comments