Phone ni Coleen Garcia nawala sa mismong araw ng kasal niya

Nitong April 23 lang muling nakapagpost ang bagong Mrs. Crawford na si Coleen Garcia matapos mawala ang kanyang phone sa kanyang kwarto noong gabi ng kasal nila ng kanyang asawa na ngayong si Billy Crawford.

Ipinaliwanag niya sa kanyang unang post bilang Mrs. Crawford, kung bakit ngayon lang siya nakapagpost at nawala ng ilang araw matapos ang kanilang kasal.

Nawala di umano ang kanyang phone at hindi niya na ito nakuha ngunit hindi ito naging hadlang upang maging masaya siya.


Sa pagbalik niya sa instagram, todo post ang aktres ng kanilang mga wedding photos na agad niyang inihingi ng paumanhin sa mga netizens sa dami nito.

Facebook Comments