Abot sa Php 3.4-M na halaga ng shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsanibna pwersa ng mga operatiba ng PDEA at anti-drug unit ng Quezon City Police District sa Litext Road 454 Brgy. Commonwealth, Quezon City.
Nagresulta ito sa pagkakatimbog ng isang 39-anyos na tulak ng droga.
Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang drug suspect na si Rudy Ancheta.
Nakumpiska kay Ancheta ang nasa 500 grams ng hinihinalang shabu na may street value na 3.4 million ang ginamit na mark money at isang cellphone na gamit sa transaksyon.
Umamin naman ang naturang drug personality na siya ay runner ng droga at binabayaran lang umano sa halagang ng 300.00 pesos.
Inihahanda na ng PDEA ang pagsasampa ng kasong paglabag sa section 5 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 laban kay Ancheta.