PHP 476K HALAGA NG SHABU NASABAT SA MIYEMBRO NG DRUG GROUP SA LA UNION

Timbog sa pinagsamang pwersa ng anti-illegal drugs operatives ang isang high-value drug suspect sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Barangay Poblacion, Aringay, La Union, kahapon, Enero 31.

Kinilala ni PCOL HERYL L. BRUNO, Provincial director ng La Union Police Provincial Office, ang suspek bilang isang 37-anyos na freelance painter, residente ng nasabing barangay, at miyembro ng Verona Drug Group.

Nasamsam mula sa operasyon ang humigit-kumulang 70 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang P476,000, kasama ang drug paraphernalia at iba pang ebidensya.

Kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 12 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments