Tumataginting na 500, 000 pesos ang tatanggaping premyo nang itatanghal na Miss Hundred Islands 2025 sa ALaminos City, Pangasinan.
Ayon sa facebook page ng Miss Hundred Islands, hindi na lamang mga residente sa siyudad ng Alaminos at lalawigan ng Pangasinan ang maaaring sumali sa naturang beauty pageant dahil ito ay ginawa ng Regional Edition – na nangangahulugang bawat probinsya sa Region 1 ay maaari na ring sumabak sa screening upang mapabilang na official candidate.
Magtatagisan ng ganda, dunong, at talento ang mga mapipiling kandidata para maiuwi ang korona bilang Miss Hundred Islands ngayong taon.
Maliban naman sa titulong ito, mayroon ding tatanghaling Miss Hundred Islands Tourism na mag-uuwi ng P300,000, Miss Hundred Islands Environment na P200,000 ang cash prize, at kapwa P100,000 naman sa mga tatanghaling 1st runner up at 2nd runner up.
Samantala, may mga itinakda nang screening dates and venues para sa iba’t ibang lugar sa rehiyon uno kaya maaari nang maghanda ang mga nagnanais na sumabak sa patimpalak na ito.
Ang Miss Hundred Islands 2025 ay hindi lamang tagisan ng mga naggagandahang kandidata kundi isa rin itong paaraan upang isulong ang turismo sa siyudad ng Alaminos, at pagbuklurin ang buong rehiyon na magkaisang suportahan ang turismo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨