Php1.4-M na halaga ng tulong, naipagkaloob na ng DSWD sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island

Umabot na sa Php1.4-M na halaga ng humanitarian assistance ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Ayon sa DSWD, kabilang sa mga naipamigay na sa mga apektadong pamilya ay mga family food packs at non-food items tulad ng family kits at sleeping kits.

Batay sa talaan ng DSWD, nasa 2,400 individual o 661 families na ang naapektuhan mula sa Bago City, Lacarlota City, Pontebedra, Lacastiliana, Moises Padilla at Canlaon city.


Namamalagi naman sa walong evacuation center ang nasa 1,285 individual o 330 families habang nasa 384 individual o 69 na pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kaanak.

Facebook Comments