PHP1.6M, IPINAMAHAGI SA MGA OFW SA SIYUDAD NG SANTIAGO

CAUAYAN CITY- Nakatanggap ang 91 Overseas Filipino Workers ng cheke mula sa OWWA Regional Welfare Office 2 sa Lungsod ng Santiago.

Kabilang dito ang 74 OFW sa ilalim ng Balik Pinas, Balik Hanapbuhay (BPBH) program na nagkakahalaga ng P1,241,080 at 16 OFW sa ilalim ng Welfare Assistance Program (WAP) na nagkakahalaga ng P240,000.

Bukod dito, ipinamahagi rin sa seremonya ang distribusyon ng social benefits katulad ng death at burial assistance na nagkakahalaga ng P120,000.


Layunin ng programa na tulungan ang mga OFWs at kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay tulong pinansiyal at mga mapagkukunan para sa kanilang kapakanan.

Facebook Comments