PHP5.00 DAGDAG PRESYO PARA SA MGAMAGSASAKANG MAGBEBENTA NG PALAY HANDOG NG NFA – LA UNION

Nagbigay alok ang Pamahalaang Panlalawigan ng La Union, National Food Authority (NFA) at Department of Agriculture ng 5 pesos na dagdag presyo sa mga ibibentang mga palay ng mga magsasaka ngayong anihan.
Ayon kay NFA-La Union Statistician Maricel Baliton na dadagdagan ng 5-pesos ang presyo kada kilo ng kanilang pambili ng palay sa mga magsasaka sa lalawigan.
Aniya, mula sa 19- pesos na base buying price ng NFA sa mga magsasaka, idadagdag ang 5-pesos at magiging 24-pesos na ang kada kilo ng palay na kanilang bibilhin sa mga nais magbenta sa ahensya ng palay.

Ayon pa kay Baliton na sa pamamagitan nito ay mahihikayat ang mga magsasaka na ibenta ang kanilang ani sa NFA dahil ang presyuhan sa mga pribadong namimili ng palay ay nagkakahalaga ng PHP20 hanggang PHP25 kada kilo.
Dagdag pa nito na target ng ahensya na magkaroon ng 270,000 na sako ng bigas na may 50-kilos para sa ikalawang semestre o mula Setyembre hanggang Disyembre ngayong taon.
Bukod sa top-up price na nasa ilalim ng Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Units, nag-aalok din ang NFA ng hanggang PHP4 kada kilo ng buffer stock incentive para sa malinis at tuyo na kalidad ng palay. |ifmnews
Facebook Comments