Manila, Philippines – Nakataas na ang alert level 2 sa bulkang Mayon matapos itong magbuga ng abo bunsod ng phreatic eruption.
Nagkaroon na ng ash fall sa timog-kanlurang bahagi ng Mayon na posibleng bumagsak sa mga barangay na sakop ng Camalig, Daraga at Guinobatan, Albay.
Kasabay nito, nagpalabas na rin ng abiso ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMO) sa albay na ipinagbabawal ang human activity sa loob ng six-kilometer danger zone.
Pinalilikas na rin ang mga residente sa pitong barangay na sakop ng danger zone.
Facebook Comments