Phreatic Explosion Sa Mt. Bulusan, Muling Naitala

5

SORSOGON – Nakapagtala muli ng Phreatic Explosion sa Mt. Bulusan sa Sorsogon.Alas 4:58 kaninang umaga nang maitala ang pagbuga ng abo mula sa bunganga ng bulkan.Tumagal ng siyam na minuto ang pagsabog at nakita ang makapal na usok na ang taas ay nasa isang kilometro.Sa nakalipas na magdamag, nakapagtala naman ng 28 volcanic earthquake sa bulkan.Nananatili pa rin sa alert level 1 ang status ng bulking bulusan at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer danger zone nito.

Facebook Comments