Lilimitahan na ang physical attendance ng mga dadalo sa sesyon sa plenaryo ng Kamara.
Bunsod ito ng patuloy na naitatalang mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa ibinabang Memorandum ni House Secretary-General Mark Llandro Mendoza, epektibo sa March 22, lilimitahan na lamang sa 20 kongresista at 20 personnel para sa secretariat at technical support ang maaaring pisikal na makapasok sa sesyon ng plenaryo.
Ang mga nais na pisikal na dumalo sa sesyon ay pinagsusumite ng kanilang pangalan sa Office of the Secretary General, isang araw bago ang sesyon.
Hinihikayat naman ang ibang house members na dumalo ng sesyon sa pamamagitan ng video conferencing.
Samantala, ngayong araw rin ang pagtatapos ng 4-day lockdown na ipinatupad sa Mababang Kapulungan mula pa noong Huwebes.