Ipinag-utos ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta ang physical closure sa lahat ng korte at court offices sa National Capital Region (NCR) at sa mga karatig na lalawigan.
kabilang dito ang Laguna, Rizal, Bulacan at Cavite sa harap ng pagtaas ng kaso COVID-19 sa naturang mga lugar.
Sakop ng kautusan ang Korte Suprema, Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandiganbayan at trial courts.
Ito ay epektibo kaninang alas-2:00 ng hapon hanggang bukas, March 26.
Nangangahulugan ito na suspendido ang mga pagdinig sa mga hukuman ng NCR at ng 4 na lalawigan, maliban na lamang sa mga itinuturing na urgent matters o sa petisyon o mosyon na may kinalaman sa paghahain ng piyansa, habeas corpus at pagbasa ng hatol at acquittal o pagpapawalang-sala.
Sa kabila nito, inaatasan naman ang mga korte at court offices sa naturang mga lugar na panatilihing bukas ang kanilang hotlines at email addresses.