Physical closure ng mga korte sa mga lugar na nasa MECQ, pinalawig ng Korte Suprema

Muling pinalawig ng Korte Suprema hanggang sa April 30, 2021 ang physical closure sa lahat ng korte at court offices sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Kabilang dito ang National Capital Region, Laguna, Rizal, Bulacan , Cavite, Abra, Quirino at Santiago City.

Sakop din ng kautusan ang Korte Suprema, Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandiganbayan at trial courts.


Inaatasan naman ng Korte Suprema ang mga hukuman at mga huwes sa naturang mga lugar na ituloy ang operasyon sa pamamagitan ng videoconferencing o remote conferencing hearings sa mga nakabinbin na kaso maging urgent man o hindi.

Sa naturang panahon ay suspendido naman ang paghahain ng pleadings at mga mosyon.

Ang essential judicial offices naman ay inatasan na panatilihin ang kanilang skeletal workforce para sa mga urgent na pangangailangan.

Facebook Comments