Physical distancing, dapat mahigpit na ipinapatupad sa mga event – Roque

Pinahihigpitan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagpapatupad ng physical distancing sa mga public engagements.

Ito ay matapos siyang mabatikos nang mabalewala ang social distancing protocols kasabay ng pagdalo niya sa isang malaking pagtitipon sa Cebu.

Ayon kay Roque, nakiusap siya sa mga tao na panatilihin ang distansya sa bawat isa.


Una nang iginiit ni Roque na wala siyang kontrol sa ginanap na aktibidad na inorganisa ng lokal na pamahalaan.

Nabatid na sinabi ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na dapat magsilbing halimbawa ang mga government officials sa pagsunod sa health protocols.

Facebook Comments