Physical distancing, imposible sa kapal ng populasyon sa urban areas – Pangulong Duterte

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na malabong ipatupad ang physical distancing sa Pilipinas dahil sa kapal ng populasyon lalo na sa urban areas.

Sa datos ng Commission on Population and Development (PopCom), ang populasyon ng bansa ay tinatayang aabot na sa 110.8 million ngayong taon.

Sa kanyang talumpati sa Negros Oriental, naniniwala ang Pangulo na resulta ng paglobo ng populasyon ang pagtutol ng simbahan sa paggamit ng contraceptives at kawalan ng alternative family planning programs.


Hindi maaaring puwersahin ng pamahalaan ang mga tao na sundin ang physical distancing measures lalo na kung siksikan na sa urban areas.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte na m1ahirap nang mamalagi sa isang lugar dahil kahit saan ay may tao.

Wala na aniyang espasyo na pwedeng puntahan.

Lumalabas lamang na nagiging “baby factory” ang Pilipinas.

Inatasan ni Pangulong Duterte ang government officials na maghanap ng ibang paraan kung hindi sila pabor sa family planning initiatives.

Facebook Comments