Physical distancing sa loob ng tahanan, kailangan pa ring obserbahan ayon sa isang healthcare worker

Kailangan pa ring obserbahan ang physical distancing kahit sa loob ng tahanan lalo na sa frontliners at indibidwal na palaging lumalabas sa bahay.

Ito ang sinabi ni Dra. Donna Tubera-Panes ng Baguio City Health Services Office kasunod ng pagtaas ng bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Tubera-Panes, malaking tulong ito para maiwasan ang posibleng pagkalat ng COVID-19 sa loob ng tahanan.


Ipinapayo pa ng opisyal na hangga’t maaari ay dapat maiwasan ang pagsasabay-sabay sa pagkain ng magkakapamilya kung may mga miyembro na laging lumalabas sa bahay.

Inirekomenda naman ni Dra. Tubera-Panes ang salitan sa hapag-kainan para matiyak ang three meter distance base.

Facebook Comments