
Natapos na ang physical examination sa lahat ng plebo ng Philippine Military Acamdey (PMA).
Ito ay kasunod ng pagkamatay ni cadet 4th class Darwin Dormitorio dahil sa hazing.
Ayon kay PMA commandant of cadets, Brig/Gen. Romeo Brawner Jr. – nakitaan ng senyales ng pagmamaltrato ang ilan sa mga kadete.
Aniya, naka-confine na ang mga ito sa ospital.
Sinabi rin ni Brawner na may ilang plebo rin ang nakakulong sa holding area habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Tiniyak niya na mayroong due process sa imbestigasyon sa upperclassmen na hinihinalang nananakit o nang-aabuso sa mga bagong kadete.
Facebook Comments









