
Sisimulan na ngayong hapon ang preliminary investigation (PI) sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa limang kaso ng maanomalyang flood control projects sa Bulacan.
Ito ang mga kaso na ibinalik ng Office of the Ombudsman sa Justice Department para sila ang magsagawa ng imbestigasyon.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, hinihintay pa ang ilang mga abogado ng mga respondents.
Hindi naman sigurado kung personal na dadalo ang mga respondent partikular ang tinaguriang BGC Boys na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.
Nahaharap ang ilang contractor at dating mga opisyal ng Department of Public Works and Highways sa reklamong malversation, perjury at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Unang nakatakdang isagawa ang PI noong Lunes pero ipinagpaliban ng Justice Department dahil sa pagtama ng Super Typhoon Uwan.









