PIA CAGAYAN VALLEY, NAKATANGGAP NG PARANGAL MULA SA PROGRAM ON AWARDS AND INCENTIVES FOR SERVICE EXCELLENCE 2024

Cauayan City – Ipinamalas ng Philippine Information Agency (PIA) Region 2 ang kanilang husay matapos mag-uwi ng maraming parangal sa Program on Awards and Incentives for Service Excellence 2024.

Kabilang sa mga natanggap nilang parangal ay ang 2nd Place para sa Best Regional Operations Award, 1st Place sa Best Facebook Page, 2nd Place sa Best Digital Communications, 2nd Place sa Best Social Media Graphics, at pagiging finalist sa Best Feature Story at Best Photo.

Bukod dito, ginawaran din si Benjamin Moses Ebreo ng PIA Nueva Vizcaya ng Masinop Award, habang tumanggap si Suzette Adduru ng Service Loyalty Award para sa kanyang 20 taon ng serbisyo at si Oliver T. Baccay, Assistant Regional Head, para sa kanyang 10 taon ng serbisyo.


Nakamit din ng PIA Region 2 ang 2nd Place sa 2024 Gawad ACE BEN ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay Regional Head Angely L. Mercado, ang mga parangal na ito ay sumasalamin sa dedikado at tapat na serbisyo ng kanilang tanggapan para maghatid ng tamang impormasyon sa publiko.

Facebook Comments