Pia Cayetano, dinepensahan ang political clan: Binoto kami

Image via Facebook/Pia Cayetano

Dinepensahan ni Senator Pia Cayetano ang political family matapos biruin ni Pangulong Rodrigo ang kapatid na si Speaker Alan Peter hinggil sa pagtatapos ng kanilang dinastiya.

“Kailan kaya matapos ang dyansty niyo?” ani Duterte sa launching ceremony ng mobile app na “911 TESDA” sa Taguig City na balwarte ng mga Cayetano, Martes, Hulyo 30.

Nang tinanong ukol sa pahayag ng Pangulo, sinabi ng senadora na hindi siya na-‘offend’ dahil biro lang naman daw ito.


“First of all, biro nga ‘yun, ‘diba? So biro ‘yun, so if you ask me, biro,” sambit niya.

Bukas din aniya siya sa usapang dinastiya dahil giit ng senadora, dapat husgahan ng tao ang kanilang pamilya base sa kanilang trabaho o performance.

“But on that note, that is also something that I’m always willing to talk about. Kasi when you talk about dynasty, I always ask, let’s talk about governance. And I think with all due humility, the President’s high regard for our family, for my brother, is evident in no less than his being his endorsed Speaker. So, we’re so proud,” ani Cayetano.

Nanawagan ang senador na hatulan umano ang kanyang kapatid na bagong Speaker base sa ipamamalas nito sa trabaho.

“So, we want to be judged on the work that we do. That’s an open book, and we want to really do the kind of job that will make the Filipinos proud that they elected us. Let’s make it clear, we were elected,”

Ipinahayag din ni Cayetano na “excited” na raw siyang bumalik sa Senado at magtrabaho bilang bagong chairman ng Committee of Ways and Means at Chair din ng Committee on Sustainable Development.

Balik Senado si Cayetano matapos makapasok sa 4th spot nitong midterm elections.

Nagsisilbi namang Taguig City-Pateros representative ang kapatid na si Alan Peter, na bagong halal na House Speaker kasunod ng endorso ng Pangulo.

Taguig City mayor naman ang kapatid nilang si Lino, habang Taguig City representative ang asaswa ni Alan Peter na si Lani.

Facebook Comments