PIA chief, handang sagutin ang mga alegasyon sa tamang forum

Photo Courtesy: pia.gov.ph //PIA chief Clavite

Manila, Philippines – Handang sagutin ni Philippine Information Agency (PIA) Director General Harold Clavite ang mga ibinabatong alegasyon ng korapsyon laban sa kanya sa isang proper forum.

Iginiit ni Clavite – na walang basehan ang mga alegasyon matapos malamang iniimbestigahan ng Presidential Communications and Operations Office (PCOO) ang mga reklamo.

Bahagi lamang aniya ito ng demolition job laban sa kanya dahil sa financial at organizational reforms na ipinatupad niya sa ahensya mula nang umupo siya noong 2016.


Dagdag pa niya, walang hurisdiksyon ang PCOO sa mga reklamo kung ito ay ipinadala sa Office of the Ombudsman.

Hihintayin niya ang official communication mula sa Ombudsman hinggil dito.

Tiniyak din ng PIA chief na ipagpapatuloy niya ang reporma sa ahensya.

Facebook Comments