PIA, lilibot sa Pilipinas para iparating ang mga programa ng pamahalaan na inumpisahan ngayong araw sa Las Piñas City

Iikot ang Philippine Information Agency (PIA) sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas, para iparating ang mga programa ng administrasyong Marcos na nagawa na at balak pang gawin sa kanyang termino.

Ayon kay PIA Director Ramon Lee Cualoping III, ang Pre-sona Caravan na may temang “Nagkakaisang Bumabangon” ay layong iparating sa publiko ang mga programa para sa kanila.

Kabilang sa nagawa na ng administrasyong Marcos ay ang pagpapalakas ng Ekonomiya ng bansa, may 7.6 Gross Domestic Product (GDP), isa sa pinaka mataas na GDP sa Asia matapos ang pandemya.


Samantala, ibinahagi rin sa lungsod ng Las Piñas ang pagpapalakas sa produksyon ng pagkain, turismo, digital security laban sa text scam, Act of terorism, kalusugan, edukasyon at seguridad ng publiko.

Facebook Comments