PIA PANGASINAN, PATULOY ANG PROSESO NG PAGBAWI NG KANILANG FACEBOOK PAGE MATAPOS ITONG MA-HACK

Hanggang sa ngayon ay kasalukuyan pa din na na-hack ang Facebook Page ng Philippine Information Agency Pangasinan.
Kasalukuyan din naman ang kanilang ginagawang hakbang upang mabawi ito mula sa isang may pangalan na dayuhan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay PIA Pangasinan Manager Ms. Elsha Soriano Arguel, bagamat may access pa naman sila sa kanilang page patuloy ang kanilang paghikayat sa mga tao na huwag pansinin o patulan ang anumang post o message mula sa nasabing Page.

Nakita na din aniya nila ang pangalan ng hacker kung saan ay isa itong dayuhan.
Sa ngayon ay ranging business account ng kanilang page ang na access ng hacker kung saan ay hindi naman kumikita sa mga ads ang page dahil isa itong Government Page.
Nakakabahala aniya ang ganitong instilo ng mga hackers lalong lalo na at mga Government Pages ang madalas mabiktima. |ifmnews
Facebook Comments