Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger, kumpirmadong hiwalay na

1649
FILE PHOTO

Matapos ang isang taong spekulasyon, hiwalay na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Filipino-Swiss racing driver Marlon Stockinger.

Batay sa ulat ng entertainment portal na PEP.ph, kinumpirma ito mismo ng business manager ni Wurzbach na si Rikka Infantando-Fernandez.


“Yes, it’s confirmed and you can quote me on that,” mensaheng ipinadala ni Fernandez sa naturang showbiz website nitong Huwebes.

Ayon kay Fernandez, nagdesisyon ang dalawang tapusin ang kanilang relasyon noong Setyembre.

Aniya, matagal na din nagkakalabuan sina Wurtzbach at Stockinger.

Hindi din kasama ng beauty queen-actress ang dating nobyo nang magdiwang siya ng kaarawan sa Bali, Indonesia noong September 24.

Burado na din sa kani-kanilang Instagram ang mga litrato na magkasama sila. Hindi na din nila fino-follow ang isa’t-isa.

Tumagal din ng halos tatlong taon ang relasyon nina Pia at Marlon.

Facebook Comments

From Advertisers