Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger, kumpirmadong in a relationship pa rin!

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kagabi na sila pa rin ng boyfriend nitong si Marlon Stockinger.

Ipinaliwanag mismo ng beauty queen turned actress ang estado ng kanilang relasyon ng boyfriend na si Marlon nang rumampa ito sa red carpet ng Star Magic Ball 2017 kagabi.

Ayon kay Pia, mas gusto lang kasi nila ngayon na gawing pribado ang kanilang love story.


Sa ngayon ay mas stable na ang kanilang relasyon ni Marlon pero aminado si Pia na hindi pa pumapasok sa isipan niya ang usapin ng pag-settle down dahil mas gusto niya munang mag-focus sa kanyang career.

Facebook Comments