Pia Wurtzbach, excited nang lumipat sa kanyang dream house

Excited na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na makalipat sa kanyang dream house.

Masayang ikinuwento ni Queen P na busy ang kanyang Holy Week dahil sa wakas ay lilipat na siya sa kanyang sariling bahay.

Say pa ni Pia, personal niyang tinutukan ang kanyang dream house, mapa-interior at exterior design nito.


Kasabay nito, pinayuhan ng beauty queen ang mga nangangarap na magkaroon ng sariling bahay na huwag susuko hanggang maabot ito.

Facebook Comments