Pia Wurtzbach, hands off sa paglipat ng Miss Universe franchise

Hands off si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach tungkol sa balitang mawawala na sa Binibining Pilipinas Charities Incorporated (BPCI) ang franchise ng Miss Universe Philippines.

Say ni Pia, hindi na siya gaano updated sa nasabing usapin dahil abala siya sa kaniyang showbiz career.

Nakikibalita na lang raw siya tungkol sa Miss Universe happenings.


Una nang inamin ni dating Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson na inalok siya na hawakan ang prankisa ng Miss Universe.

Taliwas sa naging pahayag ni BPCI President Stella Marquez-Araneta na tatanggalin na sa kanila ang prankisa ng Miss Universe.

Facebook Comments