Isang bagong kampanya tungkol sa mental health wellness ang inilunsad ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Sa Instagram post, ibinahagi ni Pia ang teaser ng “Holding Spaces: Voices of Hope” kung saan ipinakita ang magkakaibang paraan ng mga tao para kung paano pagtagumpayan ang mga hamon na nakakapekto sa kanilang mental wellness.
Kabilang dito ang aktor na si JM De Guzman at anim pang indibidwal na inilahad ang kanilang mga kuwento ng pag-asa.
Ang adbokasiya ni Pia, maging instrumento ang bawat isa sa paggaling ng mga taong may mental illness.
Hinangaan naman ng mga netizen ang pinakabagong kampanya ng beauty queen.
Mapapanood ang Holding Spaces ni Wurtzbach simula August 15.
Facebook Comments