Iko-convert na bilang health facility para sa covid patients ang Philippine International Convention Center (PICC) Forum Halls, World Trade Center (WTC) sa Pasay at ang Rizal Memorial Coliseum sa Maynila.
Kaugnay nito, nagtungo na sa PICC ang ang ilang opisyal ng Department of Health (DOH), Philippine General Hospital, Philippine Sports Commission (PSC) at ilang kinatawan mula sa pribadong sektor para magsagawa ng inspeksyon sa lugar.
Ayon kay DPWH Sec Mark Villar, dahil sa maraming ospital na sa Metro Manila ang naabot na o malapit na sa maximum capacity ay makakatulong ng malaki ang pagconvert sa Forum Halls ng PICC para madagdagan ang mga isolation area sa mga covid patient.
Sa pagtaya ng DPWH sa loob lang ng 2 hanggang 3 linggo ay kayang maconvert ang forum halls 1, 2 at 3 bilang health facility na kayang makapag accommodate ng 630 pasyente.
Habang ang World Trade Center at Rizal Memorial Coliseum ay ikoconvert din bilang health facilities sa tulong ng ilang pribadong kumpanya.