PICC, World Trade Centers at Rizal Memorial Coliseum, iko-convert na health facility para sa mga COVID-19 patients

63

Iko-convert bilang health facility para sa COVID-19 patients ang Philippine International Convention Center (PICC) forum halls, World Trade Center (WTC) sa Pasay at Rizal Memorial Coliseum sa Maynila.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, maraming ospital sa Metro Manila ang naaabot na o malapit na sa maximum capacity.


Kaya makakatulong ang pag-convert ng forum halls 1, 2 at 3 ng PICC para i-accommodate ang nasa 630 pasyente.

Habang ang World Trade Center at Rizal Memorial Coliseum ay iko-convert din bilang health facilities sa tulong ng ilang pribadong kumpanya.

Sa ngayon, nagtungo na ang ilang opisyal ng Department of Health (DOH), Philippine General Hospital, Philippine Sports Commission (PSC) at ilang kinatawan mula sa pribadong sektor para magsagawa ng inspeksyon sa lugar.

Facebook Comments