PIGGATAN BRIDGE SA ALCALA, CAGAYAN, GUMUHO; ILANG TRUCK NADAMAY SA INSIDENTE

Bumigay kahapon, Oktubre 6, ang Piggatan Bridge sa bayan ng Alcala, Cagayan, dahilan upang pansamantalang hindi madaanan ng anumang uri ng sasakyan.

Batay sa inisyal na impormasyon mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Alcala, ilang trailer truck ang nadamay at bumagsak sa ilog habang tumatawid sa tulay nang mangyari ang insidente.

Agad na rumesponde ang MDRRMO at pulisya upang magsagawa ng rescue at clearing operations. Sa kasalukuyan, inaalam pa ng mga otoridad kung may mga nasugatan o nasawi sa pagbagsak ng tulay.

Patuloy ding iniimbestigahan ang sanhi ng insidente at inaasahang magsasagawa ng structural assessment ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments