Manila, Philippines – Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpakalat ng mga mobile checkpoints sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Sa kaniyang talumpati sa National Swat Challenge sa Davao City, sinabi ng pangulo na layon nitong mapigilan ang mga insidente ng sniper attacks laban sa tropa ng pamahalaan.
Aniya, mas epektibo ito kaysa sa mga permanenteng checkpoint.
Kasabay nito, inutusan rin ng pangulo ang mga pulis at sundalo na huwag pansinin ang imbestigasyon ng united nations kaugnay ng war on drugs ng gobyerno.
Muling ring ipinaalala ng pangulo sa mga pulis at mga sundalo na kapag ipinatawag sa mga pagdinig sa Kamara, Senado, Supreme Court, Commission on Audit o anumang investigating body ay mag walk-out kapag binastos o sinigawan sila.
Facebook Comments