PIGILAN | NPA, mas lalong naging agresibo

Manila, Philippines – Umabot na agad sa 131 ang bilang ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang na–neutralized ng militar sa unang Linggo pa lamang ng Disyembre.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Colonel Edgard Arevalo, batay sa kanilang datos mula Disyembre 1 hanggang 8, nasa 17 na ang napatay na NPA, 114 ang mga sumuko habang 30 ang mga nakumpiskang armas.

Sa panig ng pamahalaan, 2 sundalo ang nagbuwis ng buhay habang 3 ang sugatan.


Magugunitang ipinag-utos ni AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero ang mas matinding opensiba laban sa NPA dahil sa sunod-sunod na mga pag-atake nito sa mga komunidad.

Iginiit pa ni Guerrero kanila lamang sinusunod ang ibinabang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pigilan ang mga iligal na aktibidad ng rebeldeng grupo.

Facebook Comments