PILA NA! | Halos 800 milyong pisong jackpot prize ng ultralotto 6/58, hindi pa rin naiuuwi!

Manila, Philippines – Wala pa ring nakakauwi ng bigating jackpot prize ng ultralotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Pumalo na ang jackpot prize sa ₱774,030,800 – ito na ang pinakamalaking lottery prize sa kasaysayan ng bansa.

Sa nangyaring draw nitong Biyernes (Sept. 28), walang nakakuha ng tumpak na winning number combination na 46-25-55-26-50-57.


Ayon kay PCSO Spokesperson Bong Solmerin – inaasahang sasampa na sa 800 milyong piso ang jackpot prize sa magaganap na draw ngayong gabi, Sept. 30.

Payo naman ni PCSO General Manager Alexander Balutan – panatilihing nasa ligtas at maayos na kondisyon ang mga ticket.

Iginiit din ng PCSO na wala silang ibinibigay ng ‘lucky’ numbers dahil ang mga lottery games ay automated o ang makina ang pumipili ng mga numero.

Facebook Comments