Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) sa mga barangay sa Quezon City ngayong araw.
Sa kabuuan, may 9,192 na benepisyaryo ng naturang ayuda sa naturang Barangay.
Pero, 3,200 na SAP beneficiaries muna ang makakuha ng kanilang pinansyal na tulong ngayong araw upang maipatupad ang social distancing.
Kaninang umaga, nasa 1,500 ang nabigyan ng ayuda habang 1,700 naman ngayong hapon.
Magtuloy-tuloy ito sa loob ng tatlong araw bago makumpleto ang payout.
Naantala ang pamamahagi ng SAP cash assistance doon dahil sa hindi agad naipamahaging SAP form.
Facebook Comments