Mula sa loob ng Quiapo Church, umabot na sa bahagi ng Villalobos Street ang haba ng pila ng mga debotong nais makahawak o makahalik sa damit na pinagsuotan ng replika ng Itim na Nazareno.
Ito ay matapos ang ‘Pabihis’ o ang pagpapalit ng damit ng replika na nasa altar ng Quiapo Church.
Samantala, nagtungo naman sa Quiapo Church ang mga grupo ng EcoWaste Coalition at Caritas Philippines.
Ito ay para ipanawagan sa mga debotong lalahok sa ‘Walk of Faith’ at ‘Pagpupugay’ na iwasan ang pag-iiwan ng basura.
Pinaalalahanan naman ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lahat ng shipping lines sa mahigpit na pagpapatupad ng maritime security sa Manila Bay.
Hindi kasi nagpalabas ng ‘no sailing zone’ sa Manila Bay ang PCG, kundi notice to mariners lamang para maging aware sila na mas mahigpit na pagbabantay ng Coast Guard sa itinuturing na mga critical vicinity water.