Pila ng mga gustong makinabang sa tax amnesty ng QC, mahaba na

Mahaba na ang pila ng mga real property tax owners para mapakinabangan ang tax relief na nagsimula na noong January 1 hanggang October 20.

Sa ilalim ng ipagkakaloob na amnesty, mabibigyan ng 20% na bawas sa babayarang interests, ang mga multa, surcharges at iba pang penalties sa mga delingkwenteng nagmamay-ari ng real property o hindi natitinag na ari-arian .

Kasunod ito ng inanunsyo Mayor Herbert Bautista na aprubado ng ang City Ordinance 2779 na nagbibigay saklaw ng tax relief sa mga private lot owners na nakaipon ng hindi nabayarang amilyar mula 2018 at sa nakalipas pang mga taon.


Sa halip na malugi, ipinasiya ng Quezon City LGU na magbigay ng incentive upang mahikayat ang mga delinquent taxpayers na i-update ang kanilang tax payment records.

Hindi naman sakop ng tax amnesty ang real properties na isinailalim sa auction o binabayaran pa sa naturang arrangements, gayundin ang mga may pending cases sa Quezon City Board of Assessment Appeal o sa alinmang korte.

Una na ring sinuspinde ng Quezon City Government ang 500-percent increase sa fair market values ng real properties sa lungsod hanggang katapusan ng taong 2019.

Para makaagapay sa mataas na inflation rate sa nitong nakalipas na huling quarter ng nakalipas na taon.

Facebook Comments