Unti-unti nang pinapapasok ng security ng Robinsons Place Otis ang ilang mga indibidwal na nais magparehistro upang makaboto sa 2022 national elections.
Ito ay pawang mga residente ng District 6 sa lungsod ng Maynila.
Nabatid na pansamantalang ipinatigil ang pagpasok ng mga magpaparehistro dahil sa nangyaring singitan sa pila.
Ilan sa mga matagal ng nakapila ay nagulat nang pasingitin ang kadadating pa lamang na indibidwal na mula sa isang barangay malapit sa nasabing mall.
Dahil dito, umalma ang matagal ng naghihintay sa pila kung saan pumagitna na ang mga pulis at mga security guard ng mall para hindi magkagulo.
Nabatid na magtatagal ang pagpaparehistro dito sa Robinsons Place Otis hanggang September 30 kung saan wala pa namang inilalabas na abiso hinggil sa bagong schedule.
Pinapayagan ang walk-in na nais magpatala pero hanggang 150 slots lamang ang papasukin kada araw.