Nabawasan na ang dami ng bilang ng mga pasahero ngayong November 2 sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Kapansin-pansin na hindi na humahaba ang pila sa terminal at maluwag na rin ang mga bilihan ng tickets.
Hindi na rin napupuno agad ang mga bus sa PITX at karamihan ng mga bumabiyahe ngayon ay pauwi na lamang ng Cavite o kaya ay pa-Tagaytay.
May mga ilan din tayong nakausap na pauwi naman sa kanilang mga tahanan sa Maynila at piniling agahan ang pag-uwi para hindi makasabay sa dami ng tao at sa inaasahang matinding traffic.
Samantala, ayon kay PITX Corporate Communications Officer Kolyn Calbasa sa kanilang pinakahuling tala kagabi, November 1 ay umabot sa 141,880 ang mga pasahero rito sa terminal.
Inaasahan namang mas kakaunti na ang bilang ng mga pasahero sa araw na ito.