Pila ng sisibakin ni PRRD hindi pa nauubos

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon lang mga nakalinyang opisyal ng pamahalaan na kanyang sisibakin sa posisyon.

Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa Cauayan, Isabela kagabi kung saan ay inihayag nito ang pangangailangan na linisin ang pamahalaan mula sa dumi ng katiwalian.

Ayon kay Pangulong Duterte may isa pang batch ng mga opisyal ang kanyang sisibakin dahil sa issue ng corruption.


Inamin din ni Pangulong Duterte na napakahirap magpatakbo ng pamahalaan lalo na kung may mga tiwali at hindi tapat sa trabaho.

Kaya naman umapela si Pangulong Duterte sa mga opisyal ng pamahalaan na kung gusto ng mga ito na matupad ang kanyang pangako sa taumbayan ay huwag sumali sa anumang iligal na gawain.

Facebook Comments