Dagsa na ang mga mamimili sa mga pamilihan, dalawang araw bago sumapit ang pasko.
Nagmamadali na ang mga konsyumer na mamili ng mga panghanda nila sa bisperas ng pasko.
Sa mga ganitong araw na malapit na ang pasko, karaniwang binibili ng mga konsyumer ang mga produktong ihahain nila sa kanilang Noche Buena.
Ayon sa mga konsyumer, hindi nila maiwasang hindi makisabay sa dagsa ng mga tao dahil ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataon makapamili.
Dagdag pa nila na tila nakakamura sila sa mga pinamimili nila, dahil mataas ang demand ng mga ito.
Gayunpaman, sinisiguro ng DTI na mapapanagot ang mga nang-aabuso sa itinakdang Suggested Retail Price (SRP) ng mga piling noche buena items, tulad ng ham, fruit cocktail, cheese, keso de bola, mayonnaise, sandwich spread, pasta/spaghetti, elbow/macaroni, salad macaroni, spaghetti sauce, tomato sauce, at all-purpose cream.
Samantala, ang DOH naman ay pinapaalalahanan ang mga magsisipaghanda na maging disiplinado sa pagkain, upang makaiwas sa mga posibleng sakit na makuha. | ifmnews

Facebook Comments